• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:53 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DRUG DEN NABUWAG, 5 ARESTADO SA DRUG OPERATION NG PDEA SA JARO ILOILO CITY

NAGSAGAWA ng operasyon ang mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Iloilo Provincial Office kasama ang PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET), at ang Coast Guard Intelligence Unit–Iloilo na nagresulta sa pagkalansag sa isang hinihinalang drug den at pagkakaaresto sa limang indibidwal sa Barangay San Isidro, Jaro, Iloilo City, noong gabi ng Oktubre 16, 2025, 10:00 PM.

Arestado ang target ng operasyon na kinilalang si alyas ‘Leo,’ 29 anyos, dahil sa pagme-maintain ng drug den.

Nadakip din sina alyas ‘Neillio,’ 31; ‘Mark’, 33; ‘Daven’, 23; at ‘Edward,’ 49.

Narekober mula sa mga suspek ang kabuuang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na ₱340,000.00, at 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱400.00.

Kasama sa mga nakuhang ebidensiya ang ₱4,500.00 na buy-bust money, ilang disposable lighter, takip ng bote, tatlong aluminum foil strips, isang rolled aluminum foil, dalawang cellular phone, at wallet na may mga identification card.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs), 6 (Maintenance of a Drug Den), 7 (Employees and Visitors of a Drug Den), 11 (Possession of Dangerous Drugs), at 12 (Possession of Drug Paraphernalia) sa ilalim ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)