• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan

Sa layuning mas mapa-bilis pa ang pagbabakuna sa gitna ng pinangangamba-hang pagkalat ng Delta va-riant binuksan na ang drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, sa tabi  ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Maynila, Sabado ng umaga.

 

 

Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination site kung saan nasa 400 kaagad ang naitalang inisyal na naba-kunahan kahapon.

 

 

Sinaksihan nina National Task Force (NTF) against COVID-19 Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizon,  DOH-NCR assistant regional director Dr. Paz Corrales at  Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, ang pagbubukas ng bagong vaccination site, na punuri sa nakitang bilis at maayos na sistema.

 

 

Ayon kay Moreno, maa­aring magpabakuna dito ang mga indibiduwal na may sasakyan na may apat na gulong, gaya ng jeep o kotse. Hindi pa naman pwedeng pumila ang mga nakamotorsiklo o bike sa ngayon.

 

 

Paglilinaw naman ni Moreno, kailangan din mu­nang mag-register online at magpa-schedule sa kanilang website.