• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DRAINAGE MASTER PLAN NG MAYNILA, IBINIGAY NI YORME ISKO KAY PBBM

ITINURN-OVER ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Drainage Master Plan ng lungsod bilang suporta nito sa pagsisikap ng administrasyon na tugunan ang pagbaha sa kabisera ng bansa.
Sinimulan ang Drainage Master Plan, noo unang kanyang termino noong 2021 at natapos bago siya bumalik sa City Hall noong 2025, na nagbibigay ng siyentipiko at teknikal na balangkas upang matugunan ang patuloy na problema sa pagbaha sa Maynila.
Bukod sa Drainage Master Plan, ibinigay din ng Alkalde ang operations plan ng Lungsod na tinawag na “Opla Pagmamahal sa Bayan” sa darating na September 21 mass protests sa Maynila na nagdedetalye sa paglalagay ng Incident Command System, mobilization of health, disaster response, traffic, and public service personnel, at koordinasyon sa Manila Police District (MPD).
Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos kay Mayor Domagoso na i-coordinate ang drainage master plan ng lungsod ng Maynila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA).
Tiniyak naman ng Alkalde sa Pangulo na handa ang pamahalaang lungsod na makipagtulungan sa pambansang administrasyon.
“Rest assured that the City Government of Manila stands ready to work with your administration in pursuit of sustainable development and the well-being of our people,” ani Domagoso.
Kasama rin sa pagbisita nina Pangulong Marcos at Mayor Domagoso sina Vice Mayor Chi Atienza, Congressman Ernix Dionisio at si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente.
 (Gene Adsuara)