• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DPWH: EDSA rehab, 31% nang tapos

INIULAT ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mahigit 31% na ang natatapos nila sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Ayon sa DPWH, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas madaliin ang pagkukumpuni ng naturang pangunahing lansangan upang madaanan na agad ng mga motoris­ta sa lalong madaling panahon.
Anang ahensiya, sa ngayon ay nagpapatuloy ang asphalt overlay sa bahagi ng Northbound, mula Roxas Boulevard hanggang sa Taft Ave­nue, Tramo hanggang Magallanes, at Magallanes hanggang Taft Avenue.
Sa bahagi naman anila ng southbound, magsisimula ito sa Taft Ave. hanggang Roxas Boulevard na magpapatuloy hanggang sa mga susunod na linggo.
Samantala, magsasagawa rin naman ang DPWH ng concrete reblocking sa bahagi ng P. Celle U-turn, lane 4.
Inaabisuhan naman ng DPWH ang mga motorista na pansamantalang gumamit ng alternatibong ruta habang isinasagawa ang rehabilitasyon.