• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Double-digit scoring streak ni Lebron James, natapos na

NATAPOS na ang double-digit scoring streak ni NBA superstar Lebron James ngayong araw (Dec. 5), sa kabila ng panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Toronto Raptors, 123-120.

Nabigo si Lebron na gumawa ng double-digit scores at nalimitahan lamang siya sa 8 points sa kabila ng paglalaro ng 36 mins. Sa 17 shots na kaniyang pinakawalan, tanging 4 lamang ang kaniyang naipasok. Lahat ng limang 3-points attempts ng batikang forward ay hindi pumasok.

Sa kabuuan, umabot sa 1,297 games ang double-digit scoring streak ng tinaguriang King James na katumbas ng halos 15 years na sunod-sunod na nagpapasok ng double-digit scores sa bawat regular season game na kaniyang inilaro.

Nang matanong ang pinakamatandang player sa liga ukol dito, sinabi niyang wala siyang pagsisisi, lalo na at naipanalo rin ng Lakers ang laban.

Natapos na ang double-digit scoring streak ni NBA superstar Lebron James ngayong araw (Dec. 5), sa kabila ng panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Toronto Raptors, 123-120.