• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr target na i-upgrade ang MRT-3 matapos ang surprise inspection dito

MAY inilatag na rekomendasyon si Transportation Secretary Jaime Bautista  hinggil sa pagpapahusay ng serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang  surprise inspection sa  rail line noong Lunes.

 

 

Sa isang Facebook post, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagbalatkayo o nagpanggap si Bautista bilang isang ordinaryong mananakay  na walang ” usual entourage and interacted with passengers” mula  GMA Kamuning Station hanggang Taft Avenue Station.

 

 

Maliban sa pag-inspeksyon sa  MRT-3, personal na nakita ni Bautista kung paano mag-commute gamit ang  mass transport system.

 

 

Sa kabila ng naging desisyon ng  MRT-3 na tapusin na ang  free ride program, itutuloy pa rin ng mga  pasahero o mananakay ang pagsakay ng mga ito sa  MRT-3, iyon ay sa kabila ng napakahirap at napakahabang pila  na salungat sa “fast and comfortable ride.”

Ibinahagi naman ni Bautista  ang kanyang naging karanasan sa idinaos na unang Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang, araw ng Martes at isinama ang kanyang suhestiyon para mapahusay ito.

 

 

“Copies of Bautista’s observations and recommendations were given to Undersecretary for Rails Cesar Chavez and Ofelia Astrera, OIC-General Manager of MRT-3,” pahayag nito.

 

 

Kabilang sa mga naobserbahan ni Bautista ay “clean restrooms with ample water supply; need to add platform waiting seats for senior citizens, persons with disabilities, and pregnant women; accessibility of consumer welfare desks to all passengers, and additional X-ray machines.”

 

 

Sinabi pa rin nito ang pangangailangan para sa  full ticket counter complement, availability ng emergency medical technicians sa lahat ng istasyon, promosyon ng  stored value tickets sa halip na  single journey tickets upang mabawasan ang linya at enhancements sa onboard announcements.  (Daris Jose)