• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, nagpaaalala sa mga transport group ukol sa 20% discount ng mga estudyante

PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga public transport sa umiiral na 20% discount, kasabay ng muling pagbabalik eskwela.
Ayon sa ahensiya, kailangang bigyan ng transport group ang mga estudyante ng akmang discount dahil isinasaad ito ng batas, partikular na ang Republic Act 1134 o ang Student Fare Discount Act na unang pang inaprubahan noong 2019.
Kinabibilangan ito ng mga jeep, bus, taxi, LRT, MRT, PNR, at mga eroplano.
Kasama rin dito ang mga pampasaherong banka.
Paalala ng DOTr, ang 20% discount para sa mga estudyante ay epektibo araw-araw, kahit pa weekend o mga holliday.
Samantala, kailangan lamang ng mga estudyante na magpakita ng kani-kanilang mga ID upang maka-avail ng diskwento. (Daris Jose)