• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr-CAR at PDEA-CAR nagsagawa ng surprise drug test sa mga driver, 4 nagositibo

INILUNSAD ng Department of Transportation – Cordillera (DOTr-CAR) at Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera (PDEA-CAR) ang “OPLAN HARABAS” sa Baguio City, Setyembre 11, 2025.
Sa ilalim ng inisyatibong ito, may kabuuang tatlong daan at labing-isang (311) driver ng mga bus, taxicab, at jeepney na bumibiyahe sa Lungsod ang na surprise drug test ng PDEA Chemists, habang ang mga lisensya at rehistro ng mga sasakyan ay sinuri ng mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO). Bilang resulta ng inisyal na screening, apat (4) na tsuper ang nagpositibo sa paggamit ng droga.
“Ang kanilang mga lisensya sa pagmamaneho ay naka-hold muna hanggang sa makumpirma ang resulta pagkatapos ay magsasagawa ng kaukulang aksyon” sabi ni Atty. Jose Villacorta, ARD of DOTr.
“Ire-refer sila para sa nararapat na interbensyon, depende sa resulta ng drug dependency examination na isinagawa ng DOH”, sabi ni Dir III Derrick Arnold C Careeon, RD PDEA.
Layunin ng aktibidad na matiyak na ang mga driver ay fit at hindi nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga habang ligtas na naghahatid ng mga pasahero sa kanilang mga destinasyon. (PAUL JOHN REYES)