DOTr: 25 kumpanya ng buses na walang magandang pasilidad sa terminals, binigyan ng show cause orders
- Published on April 30, 2025
- by @peoplesbalita
BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ng show cause orders ang 25 kumpanya ng mga buses na mga walang magandang pasilidad sa kanilang mga terminals
Ito ang pinagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon matapos syang magkaron ng inspeksyon sa mga terminal ng buses noong nakaraang Semana Santa.
Ayon sa kanya nakita niya na may mga maruming washrooms, makeshift sheds na gawa lamang sa tarpaulin para sa mga naghihintay na mga pasahero, at kakulangan sa mga cooling fans sa mga terminals ng mga buses. Ayon sa kanya nakita niya na ang ibang pasahero ay walang maupuan at wala man lang na mga electric fans ang nakalagay kung saan napakainit pa naman ng panahon. Habang ang mga comfort rooms ay hindi maayos at parang garahe lamang.
“For me, this is unacceptable that is why the LTFRB and the LTO have issued a show cause order against these 26 bus companies. I summoned all of these 25 companies this week and they really have to comply with the standards of a passenger terminal,” wika ni Dizon.
Dagdag niya na binigyan ang 25 kumpanya ng kaukulangan panahon upang sila ay mag comply at kung hindi sila susunod ay talagang magpapatupad ang LTO at LTFRB ng mabibigat na penalty laban sa mga kumpanya ng mga nasabing kumpanya.
“We will give them a certain period of time. If they fail to comply within the given deadline, then I am sorry, we will really impose heavy penalties against these bus companies,” saad ni Dizon.
Inulit din ni Dizon na dapat ay ang mga nasabing kumpanya ay nagbibigay sa mga pasahero ng maganda at tamang pasilidad sa mga terminals dahil sila ay nagbabayad naman ng tama.
Binigyan diin ni Dizon na kung hindi gagawa ang mga kumpanya nag pagbabago ay mapipilitan siyang ipagutos na ipasara ang mga terminals ng mga nasabing kumpanya ng buses na ayon sa kanya ay masasabing mga illegal na terminals.
Samantala, isang impostor na nangpapangap na siya ay LTO chief ang nahuli sa isang entrapment na ginawa ng LTO at Anti-Cybercrime Group (ACG) na nanghihingi ng pera kapalit ng mga nahuling colorum na buses.
Ang impostor ay nagngangalang Jeffrey Morong Mendoza ng San Mateo, Rizal. Ang suspek ay sinasabing sya ay ang LTO chief at sya rin ang kumakausap sa mga operators ng mga impounded na buses kung saan siya ay nanghihingi ng P250,000 para malabas ang mga impounded na units.
Inaresto ang suspek matapos na siya ay tumanggap ng P1k na marked money sa mga ahente ng LTO at ACG sa Cubao Terminal Complex sa Quezon City.
Kakasuhan ang suspek ng usurpation of authority at estafa sa ilalim ng Revised Penal Code kaugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Pinag-utos ni LTO chief Vigor Mendoza na gumawa ng isang imbestigasyon ang LTO intelligence and investigation division sa pangunguna ni chief Renante Melitante.
“I will personally monitor this case to make sure that this man will be punished to the full extent of the law. This should serve as a stern warning against scammers that they will suffer the consequences of their actions,” saad ni Mendoza.
Pinaalalahanan din ni Mendoza ang mga transport operators at ang publiko na huwag makipagusap sa mga scammers at ipagbigay alam agad sa LTO ang mga insidente ng mga ganitong extortion, name dropping at iba pang illegal na money-making schemes sa mga awtoridad.
Ang LTO ay nagpapataw ng multang P1 million sa mga nahuhuling mga buses na may colorum na operasyon. LASACMAR