• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOT, tintingnan ang mas maraming ‘tour guide courses’ para sa senior citizens

NAKATAKDANG magsagawa ang Department of Tourism (DoT) ng mas maraming pagsasanay para sa mga senior citizens para magsilbing gabay.

Inanunsyo ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang plano ng DoT sa isang pagbista sa nagpapatuloy na 7-day training para sa first batch ng mga nagnanais na maging senior tour guides sa Centro de Turismo Intramuros sa Maynila, araw ng Miyerkules.

“Simula palang ito, this is the start of what we foresee will be a very promising program for our seniors,” ayon sa Kalihim.

“The first phase is the training of senior citizens to be tour guides dito sa Intramuros, and the next few phases will include our other destinations within the Philippines.” aniya pa rin.

Sa oras na matapos na ng mga senior citizens ang nasabing kurso, sinabi ni Frasco na titiyakin ng Intramuros Administration na ang pagsasanay na kanilang kinuha ay magreresulta sa kanilang “engagements as tour guides” sa loob ng Lungsod.

Ang Community Tour Guiding Seminar for Senior Citizens ay pilot program na itinatag sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DOT at National Commission of Senior Citizens noong May 21.

Ang first batch, binubuo ng 30 participants, may edad na 60 hanggang 79 taong gulang, ay sasailalim sa 56-hour training mula Sept. 24 hanggang Oct. 2, 2025.

Ang programa ay nakaayon pagdiriwang ng Tourism Month, na ayon sa DOT ay sumasalamin sa commitment nito sa inclusive tourism.

Ang mga programa para sa senior citizens ay kabilang sa mga mahahalagang inisyatiba ng DOT sa pamamagitan ng Office of Special Concerns, na may atas na tugunan ang mga pangangailangan ng mga pangunahing sektor sa bansa.

Samantala, sa sidelines ng training program, niregaluhan ni Frasco ang mahigit sa 40 Manila tour guides at mga kalesa driver ng tour guiding kits at medical insurance. ( Daris Jose)