Donaire may improvements na ginawa sa rematch nila ni Inoue
- Published on May 26, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo.
Nasa Japan na kasi ang ‘The Filipino Flash’ para sa paghahanda sa laban kay Inoue.
Itinuring kasi na “Fight of the Year” ang laban nilang dalawa noong 2019 kung saan tanging si Donaire lamang ang nagpahirap sa Japanese boxer.
Sinabi pa ng 39-anyos na si Donairea na dapat huwag basta magpakampante si Inoue dahil sa marami na itong binagong teknik.
Mayroong 42 panalo, anim na talo at 28 knockouts si Donaire habang si Inoue ay mayroong 22 wins, walang talo na mayroong 19 knockouts ay idedepensa ang kaniyang WBA (Super) at IBF belts.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.