• February 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE: P800 umento sa kasambahay, epektibo na sa Pebrero 7

MAGIGING epektibo na sa Pebrero 7 ang P800 na umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang naturang umento sa sahod ay ipa­iiral kasunod na rin ng inilabas na Wage Order No. NCR-DW-06 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) noong Enero 15, 2026.
Alinsunod sa natu­rang bagong Wage Order, tataas ang buwanang minimum na sahod ng mga kasambahay sa rehiyon ng mula P7,000 hanggang P7,800.

Anang DOLE, tinatayang aabot sa 223,610 kasambayan ang makikinabang sa natu­rang wage increase, kung saan 62% o 138,263 sa kanila ay nasa “live-in arrangement.”
Anito pa, ang pagbabago sa buwanang sahod ay sinuri at pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Enero 21, 2026.