DOJ: May bagong testigo sa missing sabungeros case
- Published on July 30, 2025
- by @peoplesbalita
MAY lumutang na bagong testigo sa nawawalang mga sabungeros, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Justuce (DOJ).
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, mayroon silang panibagong hawak na testigo kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.
Inaasahan aniyang mailalabas at malalaman ng publiko sa mga susunod o lalong madaling panahon.
‘Malalaman n’yo very soon mayroon kaming bagong testigo na lalabas,” ani Remulla.
Diin pa ng Kalihim, hindi lamang basta testimonya ang hawak nila kundi mayroon pang tiyak na ebidensya ang siyang ibinahagi ng naturang testigo.
Aniya makakatulong raw ito upang mas mapagtibay ang kredibilidad ng naunang lumantad na testigong si alyas ‘Totoy’. (Gene Adsuara)