• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ itinanggi na susunod na ipapa- deport si Roque

NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na walang pagkasunud-sunod sa mga indibidwal na haharap sa deportasyon kasunod ng pagkakaresto at pagdeport kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr. nitong nakaraang linggo.
Ginawa ang paglilinaw ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano, kasabay ng mga agam-agam na susunod na ipapa-deport si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Binigyang-diin ni Clavano na lahat naman ng may mga kinakaharap na kaso na nasa ibang bansa ay kanilang hinahabol ng sabay-sabay nang walang inuuna sa mga puganteng ipinahahanap ng mga korte sa PIlipinas.
Nilinaw din ni Clavano na hindi paisa-isa ang kanilang paghuli sa mga pugante lalo pa’t nataon na naipabalik na sa bansa si Teves.
Si Roque ay kasalukuyan pa ring nasa bansang The Hague Netherlands para sa kanyang aplikasyon ng asylum dahil sa umanoy political persecution na nararanasan umano nito sa Pilipinas.(Gene Adsuara)