DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito.
“Pinag-aaralan po kung paano po natin maisasagawa na hindi naman po magkakaroon ng inaccurate results ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Vergeire sa panayam ng Teleradyo, Miyerkules.
“Kailangan lang ho nating masiguro na wala tayong misuse of the self-test antigen dahil alam naman po natin na meron po tayong tinatawag na right test at the right time at appropriate use.”
Sinasabi ito ngayon ni Vergeire habang binubuhay ng mga progresibong grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan at Bayan Muna party-list ang pagkakaroon ng libreng COVID-19 mass testing sa Pilipinas, na wala aniya sa 2022 national budget.