DOH nagpatupad ng price freeze sa ilang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity
- Published on July 24, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPATUPAD ng price freeze ang Department of Health (DOH) sa ilang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Ayon sa DOH, ang price freeze ay epektibo sa loob ng 60 araw.
Kabilang sa mga gamot na hindi pinapayagang magtaas ng presyo sa gitna ng kalamidad ang Antiasthma Anaesthesia, Analgesics, Antidiabetic, mga bitamina at higit sa 100 iba pang uri ng gamot.
Maaaring makita ang listahan ng mga gamot na may price freeze sa official Facebook page ng DOH.
Pinayuhan din ng DOH ang publiko na maaaring isumbong sa DOH hotline (02) 8651-7800 at DTI Hotline 1-384 ang mga hindi sumusunod sa price freeze o mga nag-o-over price. (Gene Adsuara)