DOH nagdeklara ng Code White
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAGDEKLARA na ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano.
Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga abiso ng local government officials .
Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot ng mass casualty incidents o emergencies.
Itinaas ng PHIVolcs ang alert level; sa Kanlaon Volcano mula Alert level 1 hanggang Alert Level 2 nitong Lunes na nangangahulugang ang pagtaas ng kaguluhan na dala ng shallow magmatic processes ay maaaring mauwi sa karagdagang pagputok ng bulkan o kahit na tumaas ang mapanganib na pagsabog ng magmatic.
Ngayong Martes, kabuuang 1,562 indibidwal o 210 pamilya na sa probinsya ng Negros Occidental ang nailipat sa evacuation centers kasunod ng pagputok ng bulkan ,ayon sa provincial disaster risk reduction and management council (PDRRMC). GENE ADSUARA