• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Kabataan nanguna sa mga nabiktima ng paputok

ANG mga kabataan ang nangunguna sa talaan ng Department of Health (DOH) na nabiktima ng paputok batay.

Batay sa huling datos hanggang alas-4 ng madaling araw ng Enero 3, 2026, nasa 655 na ang firework-related injuries sa bansa, 351 rito ay kabataang edad 19-taong gulang pababa.

Umabot sa 19 biktima ang naputulan ng daliri o kamay dahil sa iba’t ibang uri ng paputok at 11 ay menor-de-edad.

Isang 4-years old ang pinakabata na naputulan ng apat na daliri sa kamay matapos masabugan ng hindi matukoy na uri ng paputok.

Mga hindi matukoy na uri ng paputok ang pangunahing sanhi ng pinsala, na sinusundan ng legal na kwitis at illegal na 5-star.

Naobserbahan man ng kagawaran ang 20% na pagbaba ng kaso, ikinalulungkot pa rin ng DOH ang sinapit ng mga nagpaputok at aksidenteng nasabugan ng firecrackers.

Nagpaalala pa rin ang DOH sa mga nasugatan o napaso dahil sa paputok na agad magpakonsulta para sa libreng bakuna upang hindi mauwi sa nakamamatay na tetano, lalo pa’t 8 hanggang 21 araw bago lumabas ang sintomas nito.