DOH: COVID-19 healthcare utilization ‘low risk’ pa, pero ICU beds napupuno na
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
Aminado ang Department of Health (DOH) na kahit nasa mababang antas ang utilization o paggamit sa mga itinakdang kama para sa COVID-19 patients, tumataas naman ang bilang ng okupadong ICU beds.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director IV ng DOH-Health Promotion Bureau, nasa 35% ang utilization rate ng dedicted COVID-19 beds sa buong bansa. Itinuturing pa itong low risk.
Pero kung titingnan ang datos ng mga lugar na binabantayan dahil sa mataas na kaso ng sakit, makikita raw na nasa 49% ang utilization rate ng National Capital Region.
Samantalang 65% o moderate risk ang ICU beds, at 38% ang ginagamit na mechanical ventilators.
Sa Central Visayas naman, bagamat 47% ang utilization sa dedicated beds, 49% ang sa mga kama sa ICU.
Pagdating naman sa Davao region, 33% ang utilization sa mga inilaang kama ng COVID-19 patients, pero 52% sa ICU beds.
Habang pinakamataas sa Cordillera region na may utilization rate na 56% sa dedicate beds at 71% sa ICU beds.
“We cannot just be complacent about the numbers because the ICU beds are slowly being filled up and its always a percentage of the number of cases.”
“Habang tumataas yung total cases kahit mababa pa rin yung nagiging serious, its always a percentage of cases.”