Diskriminasyon ng CHED sa hindi bakunado at bakunado walang basehan –Atty. Larry Gadon
- Published on August 24, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG legal na basehan ang inilabas na order ng Higher Education Institutions laban sa mga hindi bakunado at hindi kumpletong bakunado na mga mag- aaral ay labag daw sa konstitusyon.
Sa isinagawang pulong Balitaan sa tanggapan ng public attorney’ office sa lungsod ng Quezon City sinabi ni Atty: Larry Gadon, isang paglabag sa karapatang pangtao sa edukasyon at labag sa batas at taliwas sa seksyon 12 ng Republic Act. No 111525.
Nanawagan si Gadon, sa CHED na itigil na nila ang kanilang ginagawang diskriminasyon sa mga estudyante. na hindi bakuna at hindi kumpletong bakunado
Ayon kay Gadon , dapat i-abolish na ng CHED ang kanilang inilabas na memorandum laban sa diskriminasyon sa mga estudyante ng CHED.
Sinabi pa ni Atty Larry Gadon, base sa seksyon 1, artikulo XIV, ng saligang batas ng Pilipinas.(1987 Philippine. Constitution ) malinaw na batayang isinaad na:” nararapat na protektahan at itaguyod ng estado ang karapatan ng naayon sa mga hakbang para masiguradong ang edukasyon ay abot-kamay.
Aniya ang pagbabakuna laban sa COVID 19 ay hindi itinakda ng batas na sapilitan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)