• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Disbarment complaint laban kay FPRRD, inihain sa SC

NAGHAIN  ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Korte Suprema, Enero 17.

 

Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, bitbit ang mga plakards na walang karapatan at hindi karapat-dapat  na maging abogado ang dating pangulo.

 

Sinabi ng abogado na  si Atty. Vicente Jaime Topacio na siya ay anak ng peace consultants na si Agaton Topacio at Eugenia Magpantay na pinatay sa panahon ng Duterte administration.

 

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hindi sila mapapagod na lumaban at hiiling  nila sa Kataas-taasang Hukuman na bigyan  ng dignidad ang kanilang pagkatao na magkaroon ng karapatan na magkaroon ng hustisya.

 

Maalala sa isang congressional hearing, sinabi ni Duterte na aakuhi niya ang ‘full responsibility’ sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

 

Sa rekord ng gobyerno, nasa humigit-kumulang 6,2000 drug suspect ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021 ngunit pinabulaanan ito ng human rights group  at sinabing ang bilang ay umabt sa higit 30,000 dahil sa unreported related killings. (Gene Adsuara)