• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direktang pagbenta ng mga magsasaka sa kanilang ani sa pamamagitan ng government agencies online, iminumungkahi

NAIS ng chairman ng House Special Committee on Food Security na ibenta ng direkta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa pamamagitan ng government agencies online.
Sa House Resolution 155, ni Rep. Raymond “Adrian” Salceda, ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Agriculture (DA) ay magkasanib na bubuo ng isang digital marketplace sa ilalim ng Section 11 ng Republic Act No. 11321, o Sagip Saka Act, kung saan ang mga magsasaka at mangingisda na nakarehsitro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay maaaring magbenta ng kanilang aani o huli ng direkta sa government agencies.
Nakasaad pa sa resolution na ang Government Procurement Policy Board (GPPB) ang mag-iisyu ng rules na magre-require sa mga agencies na bumili ng mandatory percentage ng kanilang food requirements para sa nutrition, feeding, at food assistance programs sa pamamagitan ng naturang platform.
“This is Sagip Saka in the digital age, and it makes full use of Section 11’s mandate to directly procure from farmers and fisherfolk. It will be simple, transparent, and easy to audit. Farmers will be able to post and sell directly to agencies online, without middlemen taking away their margins. Even the general public can buy from the platform,” ani Salceda.
Sa ilalim ng sistema, ang sinumang magsasaka o fisherfolk sa RSBSA ay otomatikong kuwalipikado na magbenta sa platform ng walang karagdagang accreditation, na nakasunod sa basic food safety standards.
Mas madali ang procurement rules para sa mga items na binili sa pamamagitan ng plataporma upang mas magiging mabilis ang transaksyon.
Umaasa ito na sa pamamagitan nito ay mas matatag ang government feeding at nutrition programs at kapaki-pakinabang sa magsasaka at food security. (Vina de Guzman)