• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direk Darryl, may nilulutong bagong project: Role ni SHARON sa ‘The Mango Bride’, matindi at pam-Best Actress

SA aming naging tsikahan sa first mediacon ng ‘Martyr Or Murderer’ ng Viva Films na ipalalabas na bukas, March 1, mukhang nabuko namin si Direk Darryl Yap tungkol sa niluluto niyang movie project para kay Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Matatandaan na proud na proud talaga siya na pumayag si Mega na maidirek niya ito sa ‘Revirginized’, dahil isa nga ito sa dream project niya.

 

 

And after na maipalabas ang movie sa Vivamax, pareho nga nilang nasabi na gusto nilang makatrabaho uli ang isa’t-isa. Na kung saan pwede ngang mag-part two, dahil bitin ang ending ng movie or puwede namang ibang story na.

 

 

Pero kahit nasa plano na ito ni direk Darryl at super secret, ay matatagalan pa dahil kailangan niyang tapusin ang part three ng story ng mga Marcoses. At doon pa lang siya makakagawa ng non-political movie na unang tumatak sa kanya, nanggimbal at talagang pinag-uusapan.

 

 

Pero habang aabangan natin kung magkakatotoo nga ang muli nilang pagsasama, sigurado nang matutuloy na big-screen film adaptation ng ‘The Mango Bride’ ang award-winning debut novel ni Marivi Soliven, na pagbibidahan ni Sharon.

 

 

Nakipag-dinner na nga si Sharon sa kanyang producer, director at US management at production team.

 

 

Noong 2011, nagwagi ang nobela ni Soliven ng Carlos Palanca Memorial Award for Literature. Iikot ito sa dalawang Pinay na sina Amparo at Beverly na nag-migrate sa California at doon nila madi-discover ang mga nakatagong katotohanan, habang nagtatagpo at nagkakabit-kabit ang kanilang mga kuwento.

 

 

Ini-release ito ng leading publishing house na Penguin Books noong 2013. May Spanish edition din ito at ang Filipino edition naman ay itrinanslate ni Danton Remoto.

 

 

Nasimulan na namin basahin ang ‘The Mango Bride’ at mukhang may panlaban na naman si Mega sa pagiging best actress and hopefully with this film, makakuha uli siya ng international acting awards.

 

 

Reaction naman ng mga netizens sa upcoming movie ni Sharon…

 

 

“siya na ba ang susunod kay tita dolly de leon? who knows?”

 

 

“mananalo, hindi puro nomination lang.”

 

 

“It’s an honor to be nominated in Hollywood and Bafta.Maimbitahan nga lang sa Oscar honor na.”

 

 

“Agree! She will be nominated for an Oscar for this movie!”

 

 

“Let’s hope so.”

 

 

“Si Sharon pa na May international acting award ang mediocre ah! Nope! Sharon is great!”

 

 

“Best actress na tong si sharon. mark my words! fight me!”

 

 

“Libre ang mangarap, Bakit ko lilimitahan! Best actress si Sharon dito!”

 

 

“magaling si Ate Shawie. She may be pabebe irl but when she takes on a character nawawala talaga yun Sharon the megastar. Recently pinanuod ko ulit yun Crying Ladies sa Netflix and my goodness ang galing nya 👏 she can do under acting yun mga hindi pasigaw eklavu pero the performance delivers a punch to the gut. I remember nung ginawa nya yun Pasan ko ang Daigdig with the late great Lino Brocka, even he said nung una wala sya bilib pero at the end of it all for him Sharon is the real deal!

 

 

“Malay mo naman nabasa niya yung book! Ako nabasa ko at talagang excited ako kasi Hollywood ito, girl!”

 

 

“Hello Hollywood!”

 

 

“Agree ako. Hirap na role yung Marcela at daming ganap sa buhay niya!”

 

 

“Can’t wait to see this film.”

 

 

“Nakatag Si Bianca Umali sa huling post ni Marivi Soliven yung author ng book! Malamang she will play one of the younger leads.”

 

 

“Sharon will play the long suffering housekeeper. Yun interpreter is yun apo ng Doña.”

 

 

“The main characters are: Beverly – the niece of Marcela,

 

 

Amaparo – rich granddaughter of the Donya, Donya Concha and Marcela, the chef who will be played by Sharon Cuneta. Siya ang connection ng lahat ng characters. Palanca winner din ito gaya ng Crying Ladies kaya maganda!!!

 

 

“This is a good one. Hope it will finish soon.”

 

 

“Good luck Mega! Sa tagal ng planning stage nito, I’m hoping this movie will be fantastic. At manalo ka ng international acting awards dito!”

 

 

“Napakaganda! Unang eksena pa lang eh nananaksak na ang character ni Ate Shawie! Pang Best Actress kumbaga!”

 

 

“Naku, galingan mo diyan Ate Shawie ha!”

(ROHN ROMULO)