• February 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dillon Brooks, sinuspinde ng NBA matapos ang ika-16 na technical foul sa 49 games

SINUSPINDE ng National Basketball Association (NBA) si Phoenix Suns forward Dillon Brooks matapos maitala ang kaniyang ika-16 na technical foul ngayong season.

Ayon sa patakaran ng NBA, ang isang player o coach ay otomatikong masususpinde ng isang laro nang walang sahod kapag umabot na sa 16 ang natanggap na technical foul sa regular season. Sa bawat dalawang karagdagang technical foul matapos ang ika-16, muling ipapataw ang suspensiyon.

Sa kaso ni Brooks, umabot lamang siya ng 49 laro ngayong season bago makumpleto ang 16 na technical fouls. Ang pinakahuli ay nang makaharap ng Suns ang top-seeded team na Oklahoma City Thunder, kung saan sila ay natalo sa score na 136-109.

Dahil sa suspensiyon, hindi makakapaglaro si Brooks sa unang laban ng Suns pagkatapos ng All-Star break kontra San Antonio Spurs.
Hawak ni Brooks ang career average na 14.8 points per game, 3.3 rebounds per game (rpg), at 0.9 steals per game (spg). Ngayong season, umaabot siya sa 21.2 points per game at may impresibong 1.1 steals per game.