• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations

PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

 

Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila a at sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna — o mas tinatawag na National Capital Region Plus (NCR Plus).

 

“Now I will do this. I will hold responsible, and I will direct the Secretary of the Local Government — DILG — to hold the mayors and responsible for these kinds of events happening in their places. It is a violation of the law. And if you do not enforce the law, there is a dereliction of duty, which is punishable under the Revised Penal Code,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“So the DILG can proceed against you for not doing your duty as mayor, or as a barangay captain. But not so much about the mayor. It’s just that there the liability. These barangay captains are the problem. Since barangays are really small, do not give me that shit about that you didn’t know about it,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung anong quarantine protocols ang nalabag subalit marami aniya siyang na-obserbahan na ilang isyu gaya ng kasiyahan na maaaring naging dahilan ng pagkalat ng   COVID-19.

 

“Son of a… we don’t have money. Do not ever think that we can accommodate you just anytime.  If you look on TV and the news, patients can’t enter hospitals. They’re waiting in cars. They’re waiting outside until they can be given beds,” ani Panguong Duterte.

 

“The local government will go after you — administratively and criminally — if there’s a fiesta gathering or dance there. The DILG will call the mayor and the barangay captain,” dagdag na pahayag pa rin ng Chief Executive.