• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, ipinagmalaki pagbaba ng focus crimes sa unang 6 na buwan

IPINAGMALAKI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbaba ng bilang ng focus crimes sa bansa sa unang anim na buwan ng 2025 kumpara sa parehong mga buwan noong nakaraang taon.

Sa isinagawang 1st Joint National Peace and Order Council and Regional Peace and Order Council Meeting, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na bumaba ng 31.85% ang kaso ng rape, 30.21% sa physical injuries, at 26.47% sa robbery mula January 1 hanggang June 6, 2025.

Binigyang-diin din ni Remulla ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms, kung saan nakumpiska ang halos 13,000 iligal na baril at mahigit 5,300 indibidwal ang naaresto.

Isinagawa rin ang halos 23,000 na anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng mahigit 24,000 indibidwal at pagkakasabat ng mahigit 200,000 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P2.17 bilyon.

Ayon kay Remulla inatasan niya ang Philippine National Police (PNP) at maging ang mga barangay officials na paigtingin ang kanilang mga programa at kampanya laban sa kriminalidad.

Hinikayat naman ni Remulla ang mga bagong talagang regio­nal and local peace and order council chairpersons na paigtingin ang pamamahala sa pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan. (Daris Jose)