DILG inilunsad Unified 911 sa buong bansa
- Published on September 13, 2025
- by @peoplesbalita

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas, pinagsama na sa iisang linya ang tawag para sa pulis, bumbero, ambulansya o disaster response.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layon ng proyekto na gawing mas simple at mabilis ang emergency response. Mula sa dating 200 iba’t ibang emergency numbers, ngayon ay 911 na lang ang kailangang tandaan.
Bukod dito layon din ng ahensya na magtayo ng 8 karagdagang call centers sa loob ng 120-araw. Layunin nitong bawasan ang kalituhan at delay sa pagtugon.
Target pa ng ahensya ang 5-minutong response time, at kayang tumanggap ng tawag sa iba’t ibang wika gaya ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug.
Samantala P1.4 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa unang yugto ng proyekto na may kasamang dagdag na sasakyan, drones, at push-to-talk radios para sa mga responder.