• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:45 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Digital crop insurance, zero-interest loans para sa mga magsasaka

NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng mas mabilis, mas simple at mas matatag na financial support systems para sa mga magsasakang Pilipino.

Gayundin ang reporma sa crop insurance at government lending programs upang masiguro ang pagkakaroon ng long-term stability sa agriculture sector.

Sa joint hearing ng House Committee on Agriculture and Food at Committee on Ways and Means, sinabi ni Speaker na kasama rin sa mga reporma ang pagpapalawak ng proteksyon at access sa pondo ng mga magsasaka.

“Nais nating gawing obligado ang crop insurance para sa lahat at matiyak na ang Philippine Crop Insurance Corporation ay nakakapagproseso ng claims sa loob ng 10 araw gamit ang digital system,” anang Speaker.

Sinabi nito na ang pagiging mandatoryo at fully digitalize crop insurance ay makakatulong sa mga magsasaka na mabilis na makabawi mula sa pagkalugi dala ng kalamidad at market shocks.

Hinihikayat pa nito ang mga bangko ng pamahalaan, tulad ng Land Bank of the Philippines, na gawing walang interes at mas simple ang mga pautang sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbawas ng mga dokumento upang mas madali para sa mga benepisyaryo ng Agrarian reform na makakuha ng pondo.

Kailangan aniyang magkaisa para sa mga magsasaka.

Sa pamamagitan ng agarang suporta at pangmatagalang reporma, ay matitiyak na may kinabukasan ang kanilang kabuhayan at may murang bigas ang bawat Pilipino.
(Vina de Guzman)