Di umano’y Pharmally-POGO na nag-uugnay kay DU30, para sa ‘media mileage’ lang-Panelo
- Published on July 18, 2024
- by @peoplesbalita
PARA kay dating presidential spokesman Salvador Panelo, isang malinaw na ‘media mileage’ lang ang intensyon ng naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros kung saan pilit na iniuugnay nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na pharmacy anomaly at illegal Philippine offshore gaming operations (POGOs).Malinaw na nais ni Hontiveros na mapakinabangan ang nasabing usapin para sa kanyang ‘political plans’ sa hinaharap.
“Her apparent intention is to malign the character of PRRD and at the same time she wants to be politically relevant and preparing to run for a higher office. She always want to be in the public eye for the name recall and media mileage,” ang naging pahayag ni Panelo sa isang kalatas.
Sinabi pa ni Panelo na si Hontiveros ay “desperately bent on connecting” ang dating Pangulo sa kontrobersiyal sa Pharmally at POGO, binigyang-diin na ito’y “no factual and legal bases to link FPRRD in any corrupt practice.”
Ipinagtanggol din ni Panelo si Duterte sa pagsasabing, hindi kailanman nasangkot ang dating Pangulo sa korapsyon.
Kapansin-pansing aniya na tila ginagamit na lamang ni Hontiveros ang kanyang komite para paratangan ang isang tao para sa publisidad.
“She keeps using her committee to try persons by publicity— denying them of the due process clause of the Constitution under the guise of legislative inquiry in aid of legislation — as exemplified by what she did to Pastor Apollo Quiboloy and Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, who have become victims of her injustice,” ayon kay Panelo.
Kaya nga, sinabihan ni Panelo si Hontiveros na sa halip na “nauseous grandstanding,” dapat na pagtuunan nito ng pansin at umpisahan ang mga legislative bills na makatutulong sa kahirapan, kasalatans a edukasyon at usapin sa kalusugan, public works, agrikultura, kalakalan at iba pa.
“She is wasting taxpayers money. This must stop. She must be fealty to her oath of office,” diing pahayag ni Panelo.
(Daris Jose)