• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:38 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di raw rebelasyon yun dahil marami nang nakakaalam: JERIC, kaswal na sinabing may dalawang anak na sina ALJUR at AJ

MAAYOS ang sitwasyon sa pagitan ng “magbiyenang hilaw” na sina Jeric Raval at Aljur Abrenica.
Ayon mismo kay Jeric ay para lang silang magbarkada ni Aljur.
Sa pag-uusap pa nga raw nila ay nangako si Aljur na mamahalin nito ng lubusan ang anak ni Jeric na si AJ Raval.
“Kaswal lang yung usap namin, lalaki sa lalaki. Kung paano ako namanhikan noong araw.
“Sinabi niya rin yung sinabi ko noong araw, ‘Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko yung anak niyo. mahal ko naman yung anak niyo.
“Actually matagal na sila, e.
Isang pagpapatunay na maayos ang kanilang sitwasyon, may payo o advise si Jeric kina AJ at Aljur para maging matibay at matatag ang pagsasama ng dalawa.
Ani Jeric, “Alam mo ang buhay mag-asawa, although hindi pa sila kasal, no, give and take lang yan.
“Tsaka lawakan ninyo ang pang-unawa ninyo, lalo na sa babae.
“Actually, ako, naniniwala ako na ang nagdadala ng relasyon, babae.
Nauna na rito ay naihayag na ng kaswal ni Jeric na may dalawang anak na sina AJ at Aljur, isang babae at isang lalaki.
“Hindi naman rebelasyon yun. Alam naman na yun ng tao,” lahad ni Jeric.
Samantala, nagwaging Best Supporting Actor sa 73rd FAMAS Awards si Jeric sa pelikulang ‘Mamay: A Journey To Greatness.;
Mula sa Mamay Productions, wagi rin ang pelikula ng Best Production Design (Cyrus Khan), Best Cinematography (Gilbert Obispo), Best Musical Score (direk Neal “Buboy” Tan), Best Original Song (“Hamon” by Gerald Santos, composed by Vehnee Saturno) at special awards na Film Producer of the Year (Mamay Productions) at Presidential Awardee (Hon. Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte).
(ROMMEL L. GONZALES)