‘Di napigilang ma-starstruck at magpa-picture… BARBIE, naming ‘Mama Mary’ talaga ang impresyon kay CHARO
- Published on February 18, 2026
- by @peoplesbalita
SI Mama Mary ang impresyon ni Barbie Forteza kay Ms. Charo Santos-Concio.
Kuwento ni Barbie…
“Naaalala ko po talaga nung aming storycon po, si Ms. Charo po ang huling dumating, kaya yung parang tingin ko talaga sa kanya, ‘Hala, si Mama Mary!’
“Ganun! ‘Andito na siya, totoo na ito!’
“So parang, sabi ko talaga, ‘Okay Barbie, kalma, kalma, aktor ka dito huwag kang ma-starstruck’, ganyan.
“Pero siyempre hindi ko po napigilang hindi magpa-picture dahil lagot ako sa nanay ko pag hindi ako nagpa-picture, bilin na bilin,” at tumawa si Barbie.
“Pero working with Ms. Charo as my grandmother, I really felt the connection with her and maybe it’s because she was so generous.
“Na magkasama po kami sa dressing room at grabe po napaka-generous niya in terms of yung simpleng tsika, malaking bagay po yun!
“Yung pag-share ng kanyang stories and experience, actually malaking bagay po na si direk Brillante talaga in-insist niya na sabay-sabay kaming kumain during breaks dahil doon lang namin nakikilala talaga ang isa’t-isa personally.
“Kaya malaking bagay ho iyon kasi mas nagkakaroon ako ng deeper understanding of who they really are outside the industry.
“And so naging madali po para sa akin na makatrabaho si Ms. Charo dahil napakagaan po niyang tao, napakasaya niyang kasama, walang kaere-ere and very generous and reliable na aktor po.
“So I’m very honored dahil siya po ang aking lola at ako po ang kanyang apo,” bulalas pa ni Barbie.
Gaganap silang mag-lola sa “Until She Remembers” kung saan kasama rin sina Boots-Anson-Rodrigo, at sina Angle Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at marami pang iba.
Ipapalabas sa mga sinehan sa Pebrero 25, mula ito sa Solar Studios Inc. at Center Stage Productions, executive producer Wilson Tieng, sa panulat at direksyon ni Brillante Mendoza.
***
ANG businesswoman/host na si Cristina Decena lamang ang kilala namin na sa ginanap na Christmas party ng kanyang kumpanya ay namigay ng mga lote.
Oo, kung ang iba ay namimigay ng appliances o groceries tuwing Christmas party, iba si Cristina dahil lupa na puwedeng pagtayuan ng bahay ang ipinamigay niya sa mga mapapalad na empleyado niya na loyal at naglilingkod na sa kanya sa maraming taon.
Hindi lamang mga empleyado dahil tumanggap rin ng titulo ng lupa ang mga miyembro ng media na malapit kay Cristina.
Hindi nga napigilang maluha ng bawat isa habang iniaabot sa kanila ni Cristina ang katibayan ng pagmamay-ari nila ng lupa na tila guma-graduate sila sa eskuwelahan at inaabutan ng diploma.
Hindi lamang iyan, pinag-aaral rin niya ang mga anak at apo ng mga deserving niyang tauhan.
“Kasi iniisip ko binigyan ako ng Panginoong Diyos ng lahat ng ito, di ba? Wala kaming pera noon nakapagtapos ako ng pag-aaral, nag-graduate ako ng cum laude, naging government scholar ako, financial aid, bukod sa government scholar ako binibigyan ako ng suweldo kasi sumusulat ako sa diyaryo, naging literary editor ako ng ‘The New Businessman’ sa PUP,” lahad ni Cristina.
“Ang daming binigay sa akin na gantimpala. Humingi ako ng isang bahay napakaraming bahay ang ibinigay sa akin, sabi ko, ‘Tama na po, okay na po ako, Lord! Ang gusto ko na lang po, sana kung anuman ang meron ako maibalik ko sa tao.’
“Lahat ng pinagdasal ko sa Panginoon ibinigay sa akin kaya gusto kong maibalik sa tao.”
At isa lamang ang hiling ni Cristina tuwing nagdadasal siya.
“Sana bigyan pa ako ng mahaba pang energy, medyo mahaba pang panahon, para mas marami akong taong matulungan, mas maraming pamilya akong mapakain, mas marami akong batang mapag-aral.
“Iyon lang ang wish ko, good health, long life.”
Kaya naman hindi katakataka kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga biyaya kay Cristina dahil marunong siyang mag-share ng blessing sa iba, lalo na sa mga nangangailangan na walang hinihintay na kapalit kundi pagmamahal at loyalty
Bukod rito, kahit isa na siyang multi-millionaire (o billionaire?) may nakatutuwang wish si Cristina na ikinuwento sa amin nitong nakatsikahan namin siya kamakailan, at ito ay ang sumakay sa MRT!
“Gusto kong makita yung mga sumasakay dun, yung iba-ibang antas ng pamumuhay nila, kasi ang sumasakay dun merong may pera, merong wala, gustong makarating agad sa pupuntahan nila at huwag matrapik,” sinabi pa ni Cristina.