• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di maitanggi na naninabago sa ka-loveteam: SOFIA, na-shock nang maka-eksena si ALLEN na naka-topless

HINDI maitanggi ni Sofia Pablo na naninabago siya sa ka-loveteam na si Allen Ansay nang makita itong mag-topless sa isa sa mga eksena nila para sa Afternoon Prime series na ‘Prinsesa ng City Jail.
Isa sa mga eksena na ipinakita sa trailer ng naturang serye ay ang pagkalunod ng karakter ni Sofia na si Princess sa swimming pool.  Matapos itong makita ay sinagip ni Xavier (karakter ni Allen) si Princess.
Paliwanag niya ay noong nag-look test sila para sa eksena ay naka-rash guard lang sina Allen at Radson Flores kaya’t nagulat siya nang makita silang naka-topless na sa mismong araw ng taping.
“Nagulat po ako. Tapos paglabas, sabi namin ‘Talaga?’ Akala po namin inaasar lang kami. Sabi, ‘Hindi, ‘yan talaga, promise. ‘Di kami nagbibiro,’ Nanibago po ako, sabi ko, ‘Kaeksena ko, nakahubad, ano ba ‘yan.’” pag-alala ni Sofia.
Kuwento naman ni Allen ay hindi rin niya akalain na magta-topless siya noong araw na ‘yun at kahit na maraming dalang pagkain si Sofia sa set, ay hindi siya kumain buong araw para ready siya sa nasabing eksena.
***
SA Santa Barbara, California nakatira si Oprah Winfrey kaya malayung-malayo ito sa panganib ng wildfire na tumupok sa maraming communities sa Southern California.
Pero nagkaroon din ng nakakatakot na experience ang Queen of Talk sa sunog nang magkaroon ng wildfire sa Lahaina, Hawaii noong August 2023.
Nataon daw na nasa kanyang property sa Hawaii si Oprah noong mangyari ang wildfire na kumitil sa buhay ng 102 people.
“At the time, the smoke covered the sun and half the sky. None of us could imagine the apocalypse of death and destruction that would come,” pag-alala ni Oprah.
Agad nga raw nagpadala ng tulong si Oprah para sa mga nasa evacuation centers sa Los Angeles at iba raw na nandoon ay kanyang mga kaibigan. May iba raw na pinasundo niya at pansamantalang nakatira sa kanyang bahay sa Santa Barbara.
“I’m preparing dinner for people whose lives have been affected by the fires and are taking respite at my home.
“We will be giving thanks for the refuge many have been able to find after being forced to leave their homes; praying for those having to process unimaginable loss; and expressing our gratitude to the firefighters who continue to put themselves in harm’s way. I hope that, if you can, you’ll do the same,” sey ni Oprah.
(RUEL J. MENDOZA)