• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

’Di lalahok sa debate may parusa – Comelec

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na papatawan ng parusa o sanction ang mga kandidato na hindi lalahok sa paparating na presidential at vice presidential debates na inorganisa ng poll body.

 

 

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Comelec acting chairperson Socorro Inting na ang debate skippers ay hindi na makagagamit ng opisyal na e-rally channels ng Comelec para sa natitirang panahon ng kampanya.

 

 

Ang nasabing sanction ay nakasaad sa ginawang kasunduan sa mga kandidato, ani Comelec spokesman James Jimenez.

 

 

Magtatalaga rin ng bakanteng podium ang Comelec para sa mga debate skippers.

 

 

Kaugnay nito, siniguro pa ni Jimenez na mananati­ling sikreto o confidential ang mga partikular na katanungan sa mga debate

 

 

Ang Campaign S.A.F.E. Comelec e-Rally Channel sa Facebook ay nagkakaloob ng online airtime sa mga kandidato para sa pagka-pangulo, ikalawang pangulo, senador at party-list groups ng mula tatlo hanggang 10-minuto.

 

 

Sa ngayon ay wala pang written confirmations na nakukuha ang Comelec mula sa mga kandidato hinggil sa pagdalo nila sa naturang debate.

 

 

Ang unang presidential debate ay nakatakda sa Marso 19 habang ang unang vice presidential debate ay sa Abril 3 na idaraos sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. (Daris Jose)