• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:40 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di dapat matunugan kung kailan mangyayari: RAYVER, gustong ma-surprise si JULIE ANNE sa wedding plans

IDOLO ng maraming magkarelasyon, lalo na ng mas batang henerasyon, ang masasabing napaka-ideal na relasyon nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz o ng JuliVer.
Pahayag ni Rayver, “E, I mean, what you see is what you get naman sa amin e.”Sobrang genuine lang ng relationship namin, wala kaming, alam mo yung mga filters?
“I mean minsan nga nakakalimutan ko na naka-IG live pala kami, pinapakita ko yung tunay na sarili ko na, alam mo yun,”at natawa si Rayver.
“Alam naman ng lahat iyon, di ba?
“Kasi ganun ako kapag kasama ko si Julie, lumalabas yung kid inside.
“And everytime na kasama ko siya hindi nawawala yung kilig ko kapag kasama ko siya, so ayun.”
Iyon ang sekreto ng kanilang maayos na relasyon.
“Iyon ang sekreto! And then kailangan open kayo sa bawat isa.”
Tungkol naman sa kanilang wedding plans, lahad ni Rayver, “Siyempre dun naman na papunta.
“Wedding plans, napag-uusapan namin pero yung wedding plans kasi gusto ko kasi siyempre ma-surprise pa rin siya kahit na sinasagot ko ito sa interview.
“Importante pa rin na wala siyang matunugan kung kailan mangyayari.”
Next year na ba?
“Ah malalaman din naman ng lahat. Tsaka siyempre iyang plano na yan dapat sinisimulan ko sa magulang niya.”
Samantala, nagbabalik ang ‘The Clash; na umere ang pilot episode nitong Hunyo 8, napapanood dito tuwing Linggo, 7:15 pm.
Ang Clash Masters o hosts sina Rayver at Julie Anne at mga hurado naman ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian at ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.
(ROMMEL L. GONZALES)