• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:49 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA, masusing naka-monitor sa posibleng pagpapatigil sa US assistance —PCO

MASUSING naka-monitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat kaugnay sa posibilidad na pagpapatigil sa United States foreign assistance.

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos na magpalabas ang US State Department ng “stop-work” order para sa lahat ng existing foreign assistance at pinatigil ang bagong tulong, ayon sa isang cable na nakita ng Reuters, matapos ipag-utos ni Pangulong Donald Trump ang ’90-day pause to review’ kung ang aid allocation ay nakahanay sa kanyang foreign policy.

 

Ang pagpapatigil sa foreign aid na kagyat na epektibo ay naka-apply sa bago at umiiral na tulong, tinukoy ang US State Department memo na nilagdaan ni Secretary of State Marco Rubio, araw ng Biyernes.

 

 

Nakasaad sa memo na ang mga senior official “shall ensure that, to the maximum extent permitted by law, no new obligations shall be made for foreign assistance” hanggang si Rubio ay makagawa ng desisyon matapos ang pagrerepaso, ang iniulat ng Reuters.

 

Sinabi pa ng PCO na makakatrabaho ng DFA ang partner nito sa US Department of State at US government “to determine how this will affect the Philippines.”

 

 

Ang Estados Unidos ang pinakamalaking ‘single donor’ pagdating sa pagbibigay ng tulong sa buong mundo.

Sa katunayan, “in fiscal year 2023, it disbursed $72 billion in assistance.” (Daris Jose)