DFA, ipinatawag ang Chinese envoy kaugnay sa pagpapataw na ‘bawal na tumuntong at pumasok ng Tsina’ si dating senador Francis Tolentino
- Published on July 9, 2025
- by @peoplesbalita
IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa pagpapataw ng Tsina kay dating senador Francis Tolentino na bawal tumuntong at pumasok ng Tsina.
Matatandaang, pinagbawalan ng Tsina si dating Senator Tolentino na makapasok sa kanilang mga teritoryo gaya ng mainland China, Hongkong, at Macau dahil sa umano’y inasal nito kaugnay sa mga isyung may kinalaman sa China.
Sa press briefing sa Malakanyang, binasa ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro Castro ang kalatas ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, na nagsasaad na ”punitive” measure of China was inconsistent with the norms of mutual respect and dialogue ”that underpin relations between two equal sovereign states.”
”The Department reminded the Ambassador that as a democracy, the Philippines values freedom of expression. In the Philippines’ adherence to the constitutional separation of powers among the three branches of government, it is the mandate of senators and other elected officials to inquire on the matter of national and public interests,” ang sinabi ni Castro.
Sa ulat, ipinatawag ang envoy noong Hulyo 4, araw ng Biyernes.
Sa kabilang dako, sinabi ng DFA na nananatiling committed ang departamento na tugunan ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasiya at dayalogo.
Looking forward naman ito na magpapatuloy ang ‘constructive engagement’ sa Tsina para i-promote ang mutual understanding.
Samantala, hindi na maaaring makapasok sa mainland China maging sa Hong Kong at Macao si dating senator Francis Tolentino bilang parusa sa kanyang pagbanat sa nasabing bansa dahil sa isyu ng West Philippine Sea.
Ginawa ng tagapagsalita ng Chinese foreign ministry ang anunsyo isang araw matapos ang termino ni Tolentino.
Tinawag na “egregious conduct” ang ginawa ni Tolentino na nagtaguyod sa Senado ng Philippine Maritime Zones Act.
Binigyang-diin ng tagapagsalita na ipagtatanggol ng gobyerno ng China ang pambansang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad sa kabila ng mga pahayag ng mga tinaguriang anti-China politician mula sa Pilipinas.
“For quite some time, driven by selfish interests, a handful of anti-China politicians in the Philippines have made malicious remarks and moves on issues related to China that are detrimental to China’s interests and China-Philippines relations,” naka-post sa website ng Chinese Ministry of Foreign Affairs.
(Daris Jose)
