• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 8:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Detroit Pistons, ibinulsa ang ika-13 sunod na panalo vs Indiana Pacers

IBINULSA ng Detroit Pistons ang ika-13 magkakasunod na panalo matapos pataubin ang eastern conference defending champion na Indiana Pacers, 122-117, gamit ang 50% overall shooting.

Hindi naging hadlang sa Pistons ang malamiyang 3-point shooting ng koponan kung saan tanging siyam na tres lamang ang naipasok ng nito sa loob ng 48 mins.

Bumawi kasi ang koponan sa paint area, kasama ang dominanteng rebounding kumpara sa Pacers (45-30).

Mula sa simula, hawak na ng Detroit ang lead at pinaabot pa sa 19 points ang deficit hanggang sa unti-unting humabol ang Indiana sa 2nd half.

Sa huli, nagawa pa rin ng Detroit na pigilan ang shooting barrage ng kalaban.

Nanguna muli sa panalo ng Motor City ang rising star na si Cade Cunningham na gumawa ng 24-11 double-double performance.

Pinangunahan naman ni Pacers forward Paskal Siakam ang opensa ng defending conference champion. Kumamada si Siakam ng 24 points, walong rebounds, dalawang steal, at dalawang blocks sa kabuuan ng laban.

Dahil sa sunod-sunod na panalo, hawak na ng Pistons ang 15-2, ang pinakamagandang record sa East.

Nabaon naman sa 15 loss ang Pacers, tangan ang dalawang panalo.