• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ni Marcos na laktawan ang presidential debates, tama- PDU30

TAMA lang ang ginawang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  na  mag-skip o laktawan ang  presidential debates  sa panahon ng campaign period.

 

 

Iyon ay dahil na rin sa limited time para idepensa ang kanilang sagot.

 

 

“During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time that you are a candidate, you are invited to do that… Tama si Marcos, decline,” ayon kay Pangulong Duterte sa isang talumpati  sa isinagawang  oath-taking ng mga local officials sa kanyang hometown sa Davao City.

 

 

Tanging ang mga nagmamay-ari  aniya ng  TV stations  ang nakinabang sa mga debate dahil sila naman ang kumikita ng pera para sa “airing  ng debate.”

 

 

“We were only given half a minute or one minute and that’s it. You cannot even talk further… It was for show. It earns money for them at your expense sometimes,” dagdag na  pahayag nito.

 

 

Sa buong campaign period, mas pinili ni Marcos na hwuag dumalo sa  kahit na anumang presidential debates na inorganisa ng  Commission on Elections (Comelec) at mga  major TV stations dahil sa kanyang  busy schedule.

 

 

Gayunman, dumalo  naman si Marcos sa presidential debate na inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy ng  Sonshine Media Network International (SMNI). (Daris Jose)