• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEPLOYMENT NG OFWs SA SAUDI, SINUSPINDE

PANSAMANTALANG sinuspinde ang deployment ng  Overseas  Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) .

 

 

Ito ang ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng natanggap na ulat ng Kagawaran na  ang mga umaalis na  mga OFWs nire-require  ng  kanilang mga employer  o foreign  recruitment agencies nba balikatin ang gastos sa COVID-19 health at safety protocols.

 

Kailangan din umanong magbayad ang mga OFW ng kanilang insurance coverage premium sa kanilang pagpasok sa KSA.

 

Bilang tugon, agad na inatasan ni Bello si Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na epektibong ipatupad ang to temporary suspension ng  OFW deployment sa  KSA na nagsimula kahapon, May 27.

 

Sinabi ng kalihim na aalisin lamang ang suspension sa sandaling maayos ang usapin

 

Sa  Memorandum Circular No. 1, Series of 2021 na inisyu ng POEA ngayong taon, ang mga  licensed Philippine recruitment agencies at /o mga  principals/employers ng  OFWs ang siyang responsible  sa gastosin sa COVID-19 helath at safety protocols.

 

Ibibigay ang naaangkop na libreng COVID-19  testing  sa mga mangaggawa  ayon sa hinihiling ng mga employer at ng destinasyong bansa.

 

Inatasan din sila na magbigay social protection benefits, tulad ng health at medical insurance gayundin ang occupational health and safety provisions kabilang ang hygiene kits at personal; protective equipment sa trabaho  alinsunod sa mga alituntunin sa lugar ng trabaho na inisyu ng World Health Organization.

 

Ang mga  licensed Philippine recruitment agencies at/o principals/employers ay may responsibilidad din na magbigay ng meals accommodation at transportasyon mula sa punto ng pag-upa patungo sa inilaan na patutunguhan upang matiyak na ang mga naka-deploy na mangagagwa ay negatibo p[aea sa COVID-19 bago ang kanilang deployment. (GENE ADSUARA)