• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, pinalawig ang summer programs para tulungan ang mga ‘struggling learners’ na makahabol

SINABI ng Department of Education (DepEd) na mula Mayo 6 hanggang Hunyo 3, 2026, ang mga mag-aaral na nanganganib na bumagsak ay bibigyan ng pagkakataon na maging matagumpay kasabay ng pagkasa sa pinalawig na summer remediation programs para tulungan ang mga ito na makabawi sa foundational skills at magbalik sa grade-level readiness.
Binigyang diin ni Education Secretary Sonny Angara ang agaran at dahilan ng inisyatiba. ito ay ang “walang mag-aaral ang mapag-iiwanan.”
“Tungkulin nating siguruhin na ang bawat mag-aaral ay may sapat na suporta. Narito ang DepEd para alalayan ang ating mga mag-aaral na mapaghusay ang kanilang kaalaman,” ayon sa Kalihim.
“Sa suporta ni Pangulong Bongbong Marcos, tinitiyak natin na ang ating mga programa ay may sapat na kalinga at direksyon para sa ikagaganda ng kinabukasan ng ating kabataan,” aniya pa rin.
Ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, isang flagship intervention na naglalayong palakasin ang pagbabasa at mathematics skills ng 3.7 milyong incoming Grade 2 hanggang 11 na mag-aaral.
Para naman sa nalalapit nang gumradweyt, ang Senior High School Remediation Program ay susuporta sa 2.1 milyong incoming Grade 12 learners, tiyakin ang ‘mastery of essential competencies’ sa English, Filipino, at Matematika.
Samantala, ang Summer Academic Remedial Program ay magbibigay ng ‘targeted assistance’ sa 141,000 mag-aaral sa lahat ng grade levels na hindi nagawang ma-meet ang required standards sa isa o dalawang learning areas, tulungan ang mga ito na makasulong ng may kumpiyansa.
“The results of these interventions are already clear and compelling. Comparisons between the Beginning-of-School-Year (BOSY) and End-of-School-Year (EOSY) assessments reveal significant gains: literacy gaps have narrowed by an average of 33 percentage points in Grades 1 to 3; 16 percentage points in Grades 4 to 6; and 28 percentage points in Grades 7 to 10,” ayon sa DepEd.
“Nananawagan tayo sa ating mga magulang at guro na magkaisa sa mahalagang adhikaing ito. Ang ating pagtutulungan ang magsisilbing matibay na pundasyon upang maging matagumpay ang balik-eskwela ng ating mga kabataan,” ang sinabi naman ni Angara.
Sa kabilang dako, upang ganap na maging matagumpay ang inisyatibang ito, bilang isang key proponent at co-author ng Republic Act No. 12028, o ARAL Program Act, sa kanyang panahon sa Senado, nilagdaan ni Angara ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito noong December 2024 sa kanyang kakayahan bilang DepEd Secretary—pag-transform ng polisiya sa konkretong suporta para sa mga mag-aaral.
Sa ilalim ng kanyang liderato, hindi lamang pinalalawak ng DepEd ang intervention programs kundi maging “institutionalizing a system that ensures every struggling learner is seen, supported, and given the opportunity to succeed.”
Sa ilalim ng Republic Act No. 12028 (Section 7), ang mga tutor sa ilalim ng ARAL Program na maaaring makasama ay ang: elementary at secondary teachers (sa kondisyong hindi sila nagtu-tutor sa sarili nilang estudyante); para-teachers, o iyong mga kumuha ng licensure examination para sa mga guro subalit hindi naging kuwalipikado at na-isyuhan ng special permits ng Board for Professional Teachers; at pre-service teachers na naka-enroll sa teacher education degree programs.
Pinapayagan naman ng batas ang DepEd na mag-hire ng iba pang indibidwal na itinuturing na kuwalipikado, may kakayahan at mayroong magandang karakter bilang tutor.
Samantala, sa ilalim ng IRR (Section 12), ang mga tutor na na-hire para sa ARAL Program ay dapat na ma-meet ang minimum qualifications sa mga tuntunin ng ng professional o educational background.
Kabilang dito, ang licensed teachers, para-teachers, pre-service teachers, non-licensed education graduates, retired professional teachers, ibang licensed professionals, college graduates, at iba pang identified ng DepEd.
Ang mga tutor ay dapat na magpakita ng subject-matter competency at proficiency sa iba’t ibang teaching methods. ( DARIS JOSE)