• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:02 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Demolisyon sa Abad Santos, Maynila, nagkatensyon

NAGKA-TENSYON sa  pagitan ng mga residente, demolition team at mga awtoridad sa isinagawang demolisyon sa isang residential compound sa Abad Santos, malapit sa Antipolo Street sa Tondo Maynila Huwebes ng umaga.


Sa ulat, dalawang pulis na ang sugatan matapos na walang humpay na pambabato ng mga residente ng bato at bote sa mga demolition team.


Ilang mga kabataang lalaki ang umakyat sa mga bubungan ng mga bahay sa Pulong Diablo residential compound sa naturang lugar habang ang demolition team at mga pulis ay kanya-kanya namang kubli para hindi matamaan.


Ang nasabing compound ay binakuran ng yero upang hindi mapasok ng mga demolition team at mga pulis kaya kailangan pa itong gibain ng demlition team ngunit hindi sila makaporma dahil na rin sa mga nagliliparang bote at mga bato .


Sa unang salbo na tangkang pasukin ang compound noong nakaraang buwan, nagkaroon ng suntokan sa pagitan ng residente at mga demolition team kung saan may namagitan na tatlong konsehal ng ikalawang distrito ng Maynila upang mamagitan na huwag munang ituloy ang demolition.


Ayon sa sheriff at abogado ng pribadong lupa, may order na ang korte para lisanin ng mga residente ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay .


Bukod dito, wala umanong Temporary Restraining Order o TRO ang mga residente para manatli sa lugar kaya naman itinuloy ngayong araw ang demolisyon.


Dahil sa ginawang karahasan ng mga residente sa mga pulis at demolitin team, sinabi ng MPD na aarestuhin ang mga sangkot at kakasuhan.


Humupa rin ang tensyon nang mapasok na ng mga awtoridad at demolition team ang compound kung saan nagpapatuloy ang paggiba sa mga bahay. (Gene Adsuara)