• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:24 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadma at hindi man lang nag-sorry sa kanila: CARMI, umaming may inaway na youngstar dahil palaging late

MATAGAL na sa showbiz si Carmi Martin, kaya tinanong namin siya kung ano ang masasabi niya sa mga kabataang artista ngayon.
Nagkaroon na ba siya ng hindi magandang karanasan sa mga youngstar?
Sagot ni Carmi, “Meron lang naman akong inaway! Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko na maalala. Babae. Consistent siyang late!
“E one time, may nagpainom sa akin ng kape pampapayat daw. E ang effect pampainit pala ng ulo,” at tumawa ang aktres.
Tinanong namin si Carmi kung sa anong proyekto ito nangyari…
“Lastikman!
“Nung dumating siya, sa kanya naihulog yung init ng ulo dahil consistent naman siya na late and hindi siya nagso-sorry.
“Pero pagdating ng take, wala, parang walang away.”
Ano ang pang-aaway na ginawa niyo dito?
“Sabi ko, ‘Alam mo parati kang late! Hindi mo ba alam na nag-iintay kami sa iyo?!’
“Hindi sumagot.
“I don’t know pero parang supposedly dapat yung road manager pala ang magsasabi para sabihin na kung ano yung conflict ng pinanggagalingan, mga ganun.
“Dapat pinapaalam sa amin kasi ang tagal naming nag-iintay.”
Hindi man nag-sorry ay hindi naman raw na naulit itong ma-late.
“Parang I remember deadma.
“Yung mga ganun talaga na may attitude hindi rin magtatagal sa showbiz. Kasi ako pagka nale-late pag hindi pa ako dumadating tine-text ko yung co-actor ko na sasabihin ko, ‘Naku pasensiya na!’”
Si Aki Blanco raw ay never nag-attitude sa shoot ng ‘Isang Komedya Sa Langit’, na gumanap na apo niya.
“I think kasi lahat kami came prepared talaga because ano naman si Madam [Rosanna Hwang, producer], sinabi naman niya na ilang shooting days lang ito, ganito.
“So hindi ka puwedeng dadating dun na tatanga-tanga, o hindi mo alam ang gagawin mo.”
Comic role ang mapapanood kay Carmi sa nabanggit na pelikula, pero may mga eksena siya ng iyakan sa pelikula na mapapanood sa mga sinehan sa May 28.
Bukod kina Carmi at Aki, kasama rin sina Jaime Fabregas. EA de Guzman, Gene Padilla, John Medina, sa direksyon ni Roi Paolo Calilong, mula sa Kapitana Entertainment Media.
Mapapanood ang Isang ‘Komedya sa Langit’ sa mga sumusunod na SM cinemas; ng SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas at sa Greenhills Theater.
(ROMMEL L. GONZALES)