• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadline sa paghahain ng SOCE, hindi palalawigin

NANINDIGAN ang Commission on Elections (Comelec) na hindi palawigin ang June 11 deadline para sa paghahain ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato sa May 12 midterm elections.
Giit ni Comelec Chairman George Garcia na ang deadline ng paghahain ng SOCE ay matagal nang inanunsyo .
Babala ni Garcia, kailangan harapin ang mga kahihinatnan ng hindi pag-file ng SOCE.
Ang pagsusumite ng SOCE ay tinatanggap sa mga karaniwang araw at Sabado, kasama ang mga pista opisyal, mula 8 ng umaga  hanggang 5 ng hapon sa Comelec — Political Finance and Affairs Department sa Intramuros, Manila.
Ang lahat ng SOCE ay dapat ihain  sa itinakdang bilang ng mga hard copy na may kasamang soft/electronic copy (PDF at Excel format).
Hindi pinapayagan at tumatanggap ang paghahain ng SOCE sa pamamagitan ng registered mail, electronic mail, courier, o messenger services .
Nagbabala ang Comelec sa sinumang kandidato na bigong magsumite ng SOCE na hindi papayagan maupo sa pwesto at maaari ring maharap sa kasong administratibo.
Sa kabilang banda, ang mga kandidatong nakasunod ay bibigyan ng Certificate of Formal Compliance, na dapat nilang isumite sa pag-upo sa pwesto.(Gene Adsuara)