• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, tiniyak na ‘NO DELAY’ o bawas sa bayad, benepisyo sa ilalim ng 2026 NAT’L BUDGET— Malakanyang

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na ang umento sa sahod, pensions, at retirement benefits ng government workers ay hindi maaantala o mababawasan sa ilalim ng 2026 national budget.
Kasabay ng pagbasura sa kumakalat na balita, sinabi ng Malakanyang na ‘false at misleading’ ang kumakalat na balitang may kaltas o tapyas ang pensyon at retirement benefit.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na binigyang diin ng DBM na ang sahod, inaprubahang umento at benepisyo ng government employees ay nananatiling ‘intact’, na ang pondo ay ‘fully allocated’ sa kani-kanilang budget ng kanilang ahensiya.
“Mayroon pong gustong linawin ang DBM. May kumakalat na balita na maaantala o maapektuhan daw ang salary increases at retirement benefits ng mga guro, kawaninang gobyerno at uniformed personnel sa 2026 national budget. Hindi po ito totoo. Walang tinanggal na pondo,” ang sinabi pa rin ni Castro.
“Ang sinasabing P24 billion ay hindi binawas o kinansela, inilipat lang ito sa tamang ahensya para sa mas diretso, mas mabilis at mas malinaw na paglabas ng benepisyo lalo na para sa subsistence allowance ng uniformed personnel,” ang tinuran ni Castro.
“Buong-buo ang sahod at salary increases. Ang salary increases ng kasalukuyang civilian employees at uniformed personnel ay nasa budget ng mga kani-kaniyang ahensya. Walang delay, walang bawas, walang mawawala,” diing pahayag ni Castro.
“Hindi apektado ang pensyon ng uniformed personnel. Mananatiling buo ang pensyon, ang mga bagong magri-retire sa optional retirement ay dadaan pa rin sa umiiral na proseso,” aniya pa rin.
Siniguro pa ni Castro sa publiko na ” that safeguards are in place to cover any additional requirements for personnel, citing dedicated allocations within the 2026 General Appropriations Act (GAA) for Miscellaneous and Personnel Benefits Fund.”
“Kung kailangan naman ng karagdagang pondo para sa mga uniformed personnel na sumasailalim sa optional retirement, meron po tayong nakaantabay na pension and gratuity fund sa GAA,” ang sinabi pa ni Castro.
“Kung ang mga ito po ay magkulang, mayroon pa rin tayong contingent fund na maaaring matakbuhan. Huwag po tayo magpaninlang, ikalat natin ang katotohan,” dagdag na pahayag ni Castro. ( Daris Jose)