• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, dinagdagan ang 2026 proposed budget para sa tanggapan ni VP Sara Duterte sa P903 million

ITINAAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026.

Sa katunayan, P170 milyon ang idinagdag ng DBM sa budget ng OVP.

Sinabi ni OVP Spokesperson Ruth Castelo, sa simula, ang panukalang budget ng OVP ay P733 million para sa 2026, kung saan dinagdagan naman ng DBM ng P70 million.

Pagkatapos nito ay humirit ang OVP ng panibagong dagdag na muli ay pinagbigyan naman ngDBM, nauwi sa panukalang budget para sa 2026 sa P903 million.

“When they added around P60-something million, we requested additional funds for personnel services… to better fulfill the functions and other IT equipment needed for the OVP,” ang sinabi ni Castelo.

“The final amount given by the DBM was P903 million,” aniya pa rin.

Samantala, nilinaw naman ni Castelo na hindi kasama ang confidential funds sa P903 million budget.

At nang tanungin kung bakit, ang naging tugon ni Castelo ay “If they want to give, they want to give. That is already okay. It was not requested anymore.”

Umaasa naman si Castelo na makikita ng Kongreso ang pangangailangan para sa budget nito at aaprubahan ito.

Nangako naman si Castelo na nangako ang mga OVP staff na dadalo sa congressional hearings para sa 2026 budget. (Daris Jose)