• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:22 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYUHANG MAGULANG, ANAK NA PINOY, EXEMPTED NA SA EED

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang magulang at anak nilang Filipino ay maaari nang pumasok ng bansa kahit walang entry exemption document (EED) mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na bagama’t knakailangang magpakita ng EEDs ang nasabing mga dayuhan sa kanilang pagdating sa airport, pero kinakailangan pa rin nila kumuha ng visa sa alinmang embahada sa Pilipinas o konsulado.

 

 

Paliwanag ni Morente na ang nasabing polisiya ay alinsunod sa resolusyon na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na inamyendahan ang unang resolusyon na hindi isinasama ang kanilang dayuhang Filipino na asawa sa pagkuha ng EED bago pumasok ng bansa.

 

 

Gayunman, ayon sa BI Chief na kinakailangang may nakalagay na “notation” sa visa ng mga dayuhang magulang at anak ng isang Filipino citizens na “Foreign Spouse/Parent/Child not covered by IATF Resolution 160-B; No EED Required.”

 

 

Nabatid na sa sulat na ibinigay kay Morente noong February 17, hiniling ng DFA sa BI na payagan ang isang may hawak na valid visa na may nakalagay sa nasabing “notation” na payagang pumasok sa bansa kahit walang EED.

 

 

Sinabihan din ng DFA ang BI na inutusan ang lahat ng Philippine Foreign Service post na gamitin ang notation sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhang asawa , magulang at anak na Filipino.

 

 

“We welcome the IATF’s move to relax the travel guidelines for foreigners who are immediate relatives of our Kababayans. It will allow families to reunite, and will also attract more foreign tourists to come here, helping hasten the recovery of our economy which has been badly hit by the pandemic,” ayon kay  Morente. (GENE ADSUARA)