• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:58 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Davao flood control funds, dapat isama sa imbestigasyon

PINASASAMA ng mga mambabatas sa gaganaping imbestigasyon ng kamara ukol sa kuwestiyonableng flood control projects ang alokasyon na ginawa sa Davao City noong panahon ng Duterte administration, kabilang na ang distrito sa ilalim ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
Sinabi ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, na hindi dapat maisantabi sa pagdinig ang pondong inilaan sa Davao flood control sa mga nakalipas na taon, dala na rin sa naganap na mga pagbaha sa nasabing lugar.
“I think very important po muna siguro na just go back to the Philippines. I don’t know where he is but very important po for mayors to be present during times of crisis. So, I think that’s the first point that we like to make,” pahayag ni Ridon, patukoy kay Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Dumanas nang matinding baha ang Davao City kung saan iniulat ng City Engineering Office na nasa 265 lugar ang lubog sa baha nitong nakalipas na araw ng pag-uulan.
Sa kabila aniya na may papel din na ginampanan ang climate change at geography sa pagbaha ay may isyu rin sa infrastructure.
“Pero meron centrality iyong flood control systems sa ating mga lugar. So very important din definitely na makita rin natin ‘yun pong mga impact ng mga flood control systems within Davao City and within Davao Region kasi I’m quite certain malaki rin po talaga ‘yung pondo eh na iginugol within this administration and more particularly in the previous administration to Davao City and to Davao Region. So I think that can be, that can serve as a basis to also look into the implementation of flood control projects within Davao City and Davao Region,” dagdag ni Ridon.
Sinabihan naman ni House Human Rights Committee chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante na dapat tanungin muna ng Davao mayor ang kanilang family record sa halip na aga ibasura ang imbestigasyon,
“Eh ako ang suggestion ko kay Mayor Baste tanungin niya yung kanyang kapatid na congressman, magkano ba ang pondong nakuha ni Cong. Pulong nung congressman siya nung panahon ng kanyang father? Magkano po yung nakuha? I-reveal niya kung magkano, kung saan ginamit, kung saan ginamit ang pondong yan. Kung papano ginamit yan, kung ilang bilyon ang napunta sa flood control project. At kung bakit malaki pa ang baha sa Davao,” ani Abante.
Sinabi pa nito na dapat tulungan ng mayor na patunayan ang kanyang pahayag kung totoo o stunt lamang ang imbestigasyon.
“Kinakailangan tanungin niya yung kanyang kapatid dyan kung talagang PR stunt ‘to patunayan niya,” dagdag ni Abante. (Vina de Guzman)