• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating tulak, binaril sa loob ng kanyang bahay

HINIHINALANG may kinalaman sa droga kaya binaril at napatay ang isang 46-anyos na lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Antipolo City Martes ng umaga.

 

Namatay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Hospital ang biktima na si Regalado Saddi, 46, binata ng  Jacinto St., Bgy Mambugan, Antipolo City

 

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente dala ang ginamit na baril.

 

Sa ulat, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Brgy Mambugan, Antipolo City bandang  alas-2:10 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

 

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa Mambungan Hospital saka inilipat sa Amang Rodriguez Hospital kung saan binawian ng buhay.

 

Narekober sa lugar ang apat na basyo ng hinihinalang kalibre 45 kalibre ng baril.

 

Sa rekord ng pulisya, dating naaresto ang biktima noong October 29, 2020 sa kasong paglabag sa RA 9165 kung saan inilipat sa BJMP-Antipolo noong May 12, 2022. Hindi rin umano konektado ang biktima sa mga tumatakbong pulitiko.

 

Paatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek.

(Gene Adsuara)