Dating Speaker Jose de Venecia Jr, bibigyang pugay sa Kamara
- Published on February 16, 2026
- by @peoplesbalita
PINAGHAHANDAAN ng House of Representatives ang nakatakdang burol ni dating Speaker Jose de Venecia Jr. sa plenaro ng Kamara ngayong Lunes.Kaugnay nito, nilagdaan ng mga mambabatas ang House Resolution (HR) No. 758 na nagbibigay pugay sa dating Speaker at bilang hudyat sa pagsasagawa ng memorial service sa Lunes 10 a.m.Sa pangunguna ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III of Isabela, ilan sa mga mambabatas kabilang sila House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte at House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ng 4PS Party-list ang pumirma sa HR No. 758 na nagsasaad ng “profound condolences of the House of Representatives to the family of the Honorable Jose C. de Venecia Jr., former Speaker of the House of Representatives during the Ninth, Tenth, Twelfth, Thirteenth, and Fourteenth Congresses and spouse of the Honorable Ma P. de Venecia, Representative of the Fourth Legislative District of Pangasinan.”Sumakabilang buhay si De Venecia nitong February 10, 2026 sa edad na 89. Kilala bilang “JDV” o “Speaker Joe,” ipinanganak si De Venecia noong Dec. 26, 1936 sa Barangay Pogo Grande, Dagupan City, Pangasinan kay Judge Jose Ravago de Venecia Sr. at Casimira Villamil Claveria. Sinabi ng pamilya sa pangunguna ni Pangasinan Rep. Georgina at mga anak na si dating Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, Joey, Vivian de Venecia- Garcia, Leslie de Venecia-Norton at Alexandra de Venecia- Hanner at mga apo, inilaan ni JDV ang kanyang buhay sa pagseserbisyo sa publiko, bilang isang mamamahayag, diplomat, entrepreneur, mambabatas, Speaker of the House at “global advocate for peace.”Kinilala ng Kamara si de Venecia na katangi-tanging miyembro nito na nanilbihan bilang Speaker ng limang beses, mula sa Ninth, Tenth, Twelfth, Thirteenth and Fourteenth Congresses, at representative ng fourth district ng Pangasinan sa anim na beses.Sa nasabing resolusyon, kinilala rin si De Venecia bilang arkitekto ng Rainbow Coalition, kung saan pinagsanib niya ang magkakaibang partido politikal sa liderato ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa ilalim ng administration ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.(Vina de Guzman)