• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating PCO Sec. Jay Ruiz, dinala sa MECO: Dave Gomez, bagong PCO Sec

PORMAL nang inanunsyo ng Malakanyang ang pag-upo ng dating journalist at isang corporate communications executive na si Dave Gomez bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinalitan ni Gomez si dating PCO Sec. Jay Ruiz na inilagay bilang miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na bitbit ni Gomez ang karanasan sa pamamahayag, government and corporate communications, isang senior reporter, at itinalagang director general ng Philippine Information Agency (PIA).

Tiniyak aniya ni Gomez ang makatotohanan at malinaw na ‘government messaging’ para sa bawat mamamayang Filipino.

Sa kabilang dako, si Atty. Sharon Garin naman ay itinalaga bilang Kalihim ng Department of Energy (DOE).

Ani Castro, Atty. Garin ay isang abogado at CPA na may malawak na pampublikong karanasan, naging kinatawan ng Iloilo at Usec. ng DOE na may matibay na karanasan sa enerhiya.

(Daris Jose)